Biyernes, Enero 29, 2016

Sino ba siya sa buhay ko?

Siya yung lalaking lagi nalang akong pinaiiyak. Lagi akong inaaway. Laging pinapasama ang loob ko. Minsan naman'y sakit sa ulo. Pero, siya din yung lalaking walang kaeffort effort na napapasaya ako. Siya yung lalaking mas pipiliing magstay kahit na masama ang pakiramdam niya makasama lang ako. Siya yung lalaking hindi manunuod ng basketball kapag hindi ako sumama. Siya yung lalaking gagawin ang lahat makasama lang akong kumain o makasabay lang akong umuwi. Siya yung lalaking kahit na nakakainis na ako, hindi magawang magalit saakin ng matagal. Siya yung lalaking laging may good morning at good night messages. Siya yung lalaking hinding hindi pumapalyang purihin ako kahit na minsan alam kong haggard na haggard na ako. Siya yung lalaking sinusuportahan ako sa lahat ng gusto ko. Siya yung lalaking protective lalo na kapag tatawid kami ng kalsada. Wala eh. Hindi naman ako maingat sa pagtawid. Siya yung lalaking hindi nahihiyang hawakan ang kamay ko kapag naglalakad kami. Siya yung lalaking proud na proud na ako ang babaeng mahal niya. Siya yung lalaking sinusubukang ibigay ang mga gusto ko. Siya yung lalaking effortless kung magpakilig. Siya yung lalaking kahit na nakakainis, binabawi niya sa mga sweet messages niya. Siya yung lalaking hindi ko maintindihan minsan pero, hindi padin kinakalimutang iparamdam saakin na ako lang ang mahal niya. Siya yung lalaking minsan ko nang nasaktan pero, hindi ako iniwan. Siya yung lalaking handang gawin ang lahat huwag lang akong mawala sakanya. Siya yung lalaking nagpapalakas ng loob ko sa tuwing kinakabahan ako. Siya yung lalaking itinuturing akong reyna ng buhay niya. Siya yung lalaking mahal ako.

Sino nga ba siya sa buhay ko?

Siya ang mahal ko. Siya ang taong nagpapasaya sakin. Siya ang tagapagtanggol ko. Siya ang lakas ko. Siya ang kasiyahan ko. Siya ang nagbigay ulit saakin ng rason na maging masaya at magmahal. Siya ang nagturo saakin na masarap ang magmahal. Siya ang pangarap ko. Siya ang gusto kong makasama sa pagtanda ko.

Sino nga ba siya sa buhay ko?

Siya ang MAHAL KO, ANG HARI NG BUHAY KO, ANG HUBBY KO, ANG LALAKING MAHAL KO AT MAMAHALIN KO HANGGANG SA TUMANDA AKO. <3


- Queen A